Bum log #2 (Ka-dramahan)
(Tuesday, April 25, 2006)
Sa kasawiang palad wala pa rin akong trabaho. Obvious ba? Sige, magdra-drama pa ako.
***
Puyat na naman ako. Pero last Varsi-work-related overnight `to, kaya, sige pagbigyan. Basta simula next ish, si MJ na ang bahala sa mga presswork at kung ano pang Varsi anik-anik. Kahit papaano mami-miss ko `tong puyatan na `to lalo na yung mga katatawanang nangyayari, NBSB meeting, at libreng Wendy's sa hatinggabi. Hay. Marami akong natutunan sa Varsi, marami akong nalaman sa sarili at kakayahan ko, maraming nakilalang bagong mga kaibigan at mga masasaya/masasamang tao, marami ring beses nalungkot at nawalan ng loob, maraming beses na napagalitan, maraming beses na ako naman ang nagalit, marami ring napuntahan, maraming nakita na maganda at masama, marami na rin akong nakaing libreng chibog. Basta maraming kung anu-ano sa Varsi. Kaya kahit minumura ko minsan ang sarili ko at ang org na `to, siyempre mahal ko pa rin ang Varsi at nagpapasalamat ako na kahit 2 taon lang e napagbigyan akong maging staff at kahit papaano nakapaglingkod sa UST.
***
Kakaiba yung nangyari sa chorvang eklat na yun. Hindi masayang kakaiba, basta i-di-describe ko na lang siya as "kakaiba" para wala ng masamang lumabas pa sa bibig (daliri) ko. What doesn't kill me only makes me stronger.
The Bum Log
(Tuesday, April 18, 2006)
BUM LOG # 1
I've decided to start a BUM LOG that'll run
until I have a decent, good-paying, full-time job. This is to constantly remind me that: I'm now part of the 8.1% unemployment rate of this country, I'm still living off my parents' and sister's well-earned money, I'm not "applying myself" as an able individual, and more importantly, to remind me that jobs don't magically appear in our doorsteps (or do they?).
***
Gael, the computer, is acting up again. *Grumbles*
Hoppy Easter, everyone!
(Sunday, April 16, 2006)
*Hippity hop hippity hop* ^_^
God is so good.
Tulalang tralala, tralalang tulala
(Tuesday, April 11, 2006)
Gusto ko si Ellen Degeneres at si Tomoyo (Cardcaptor Sakura) kasi ang tibo tibo nila. ^_^ Gusto ko rin ng tuna kasi masarap ito at may Omega 3 pa (kung ano man yun).
***
Leche ang init pero tinatamad pa akong maligo.
Amen!
(Tuesday, April 04, 2006)
Talikodgenic drama-dramahan sa Galera.PS: Ayon sa feedback ng mga tao, hindi raw ako umitim. Kainis. Feeling maitim lang pala ako. Mahahahahahaha!
Sun-baked.
(Sunday, April 02, 2006)
Hello. Nakabalik na ako sa Manila, my Manila. At hayep ang sakit ng katawan ko. Kati pa nung sunburn. Ang target ko dapat talaga ay parang "sun-kissed" look kuno, para halatang galing beach, e ang lumabas e "sun-baked." Ahahaha! Pero sabi ko nga ayus lang matusta basta masaya naman. Tapos meron pa akong malaking astig na henna tatoo! Yeah!
Nagpunta kami sa White Beach, Puerto Galera kung saan marami ngang mga foreigner at mga friendly na tao. Kakaiba kasi lahat nginingitian ka. Kung dito yun sa Manila, matatakot ka, pero dun relax lang at pa-smile-smile at pahiga-higa na lang sa buhangin. Ang nakakatawa pa, party-mode ang lahat ng tao. Daming bar na pwede mong lasingan. Panalo ang Mindoro Sling, Subzero, Gin Tonic, at ang masarap na Kamikaze. Umuwi kaming pasuray-suray sa casita namin, zigzag yung trail namin sa beach. Ahahaha! Medyo malungkot nga lang kasi wala akong kaibigan na kasama at dakilang saling ket-ket ako, pero at least nakapag attempted soul-searching din ako. Lamig ng tubig at masarap mag beach-combing drama kahit mag-isa ka lang. Pumalaot pa kami at nakakita kami ng dolphins! Yehey! Natupad ang isa sa mga summer pangarap ko. Marami rin akong nakilalang Thomasians dun. Sobrang liit talaga ng mundo.
Da best ang experience. Sayang nga lang hindi ko napuntahan yung falls at hotspring, hindi rin ako nakapag-banana boat. Di bale next time talaga. Sana rin sa susunod marami na akong kaibigang kasama. ^_^ Hay, miss ko na mga kaibigan ko.