Well, I'm so sorry for caring!
(Tuesday, February 28, 2006)
Because if something bad happens, it's my head! I'm so sorry if it bothers you so damn much!
*Galit* Okay, am *calm* now.
Malas talaga ako!
(Saturday, February 25, 2006)
Kanina lang nasa bahay pa ako, ngayon nandito na ako sa school. Leche. >_<
Ganado pa naman na akong gumawa nung IJ part ko, as in tahimik na ang lahat kasi umalis na mga magulang ko at pinatay ko na yung TV, nakapag-blog pa nga ako e diba, tapos biglang nagloko na lang yung monitor ko! Nagpunta lang ako ng banyo sandali, pagbalik ko lumiliit ng lumiit yung screen interface tapos biglang nawala na lang! Sinubukan ko ulit buksan ayaw na! Siyempre napatakbo ako rito ng wala sa oras para matapos na ito. Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Bakit ngayon pa kung kailan sandamukal ang papers na kailangan kong ipasa this week? BAKIT?! BAKIT?! Ano bang kasalanan ko?! Ang mahal pa naman ng bagong monitor ngayon! Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Naiinis na ako! BAKIT BA ANG MALAS MALAS KO?! >_<
Huwaw. ANG INIT! Lumabas lang ako para maghanap ng dyaryo sa kapitbahay na-tusta na ako. Di tuloy ako nakapag "hanap-buhay" kanina. Tsk. Tsk. Ika nga ng Kamikazee: "Shiyet sobrang init! Abot singit! Shiyet sobrang init! Abot singit!
The Walang-pasok Post
(Friday, February 24, 2006)
Habang nakakagulo na sa may EDSA Santolan, nagkakasakitan at nagkakahulihan na ng mga tao, si GMA naman ay relax na relax at nagpa-pa-party sa Malacanang. Ito pala ang tinatawag niyang STATE OF EMERGENCY?! Dapat na talaga tayong ma-alarma sa nangyayari sa gobyerno natin! Nasaan na ang pinagmamalaki nating demokrasya? Nasaan na ang na pinaglaban nating civil rights 20 years ago? Ayun, dinuduraan ni Gloria!
***
Sa wakas nakapanood na rin ako ng sine mag-isa! Sobra, isa `tong achievement para sa akin. Nanonood ako ng Brokeback Mountain kagabi sa Gateway, row H seat number 13 sa pagitan ng 1 queer guy na humahagikgik at straight couple na naghahalikan. Ang saya! Laking pasalamat ko na rin at walang mga nanonood na nagco-comment ng "yuck" o "nakakadiri" kasi bakit ka naman mag-iinarte ng ganun kung alam mo namang manonood ka ng R-18 gay film, diba? Nalungkot ako sa movie, a proper tragic lovestory. Kahit hindi ko masyado maintindihan yung mga pinagsasabi ni Heath Ledger (Ennis Del Mar) dahil sa kakaiba niyang cowboy accent, ayus lang. Ang galing ni Jake Gyllenhaal (Jack "Fucking" Twist)! Pagkatapos nun lumalangoy ang isip ko sa mga sheep, cowboys, at beans. Siguro aphrodisiac ang beans. Makakakain nga ng marami.
It's a random world
(Tuesday, February 21, 2006)
Mga "Aaaah!s" ko ngayon:
Aaah! Nasa office pa rin ako at madaling araw na!
Aaah! Maaga pa ako bukas!
Aaah! Hindi ko makita yung law na pinapahanap ni sir!
Aaah! Nag-uumapaw na editing marks!
Aaah! Pautakan write-up!
Aaah! May nanonood ng porn sa likod ko!
Aaah! May humahalinghing na malakas!
Aaah! Talangkang nakakatawa!
Aaah! May bago akong layout na ninenok!
Happy Single Awareness Day!
(Tuesday, February 14, 2006)
"I honestly think that I have so much love to give, but alas, nobody wants it." *Sniff, sniff*
***
Ewan ko na kung ano ang mangyayari. Personally, I'm not too thrilled to go over the whole ordeal again. But on the other hand maybe I should, you know, to defend ourselves, our rights. It's another one of those life-changing decisions and I'm confused as a fish swimming on air. We need to talk about this.
***
"The passion, the seduction of the brown race!" Mwahahaha! Katatawanan na naman.
Bwakana!
(Saturday, February 11, 2006)
Naiinis ako! Ang sama! Taena ang sakit a! Ang inconsiderate niya! Nakaka-depress itong araw na `to! AAAAH! *Sakal* AAAAH! *Saksak* AAAAH!
Glaizang basag
(Wednesday, February 08, 2006)
Pestengyawa. Ang daming gagawin. Hindi ko alam kung ano na uunahin ko. Akala ko ba pag graduating ka na e konti na lang proproblemahin mo, e bakit ang dami ko pa ring problema hanggang ngayon? >_<
Kagabi sinubukan ko ulit magsulat, yung totoo at tunay na pagsusulat na tipong nag-da-dancing-dancing akong nakahubad sa ibabaw ng buwan sa sobrang kaligayahan at sarap; yung pagsusulat na hindi pang article, yung walang deadline, yung walang editor kundi sarili ko. Pero sa kasamaang palad wala akong napala. Wala. Ang lungkot kasi iniwanan na talaga ako ng una kong pag-ibig. O baka ako naman ang nang iwan dito? Ewan ko kung paano ito humantong sa ganito.
Mukha pa akong maputlang basag na ewan dun sa 2x2 photo ko. Pestengyawa talaga.
Really tragic
(Monday, February 06, 2006)
The stampede at ULTRA last Saturday was very, very tragic and sad. Almost 80 people died and hundreds were injured. Usually, I only see things like these in Ten Scariest Moments Caught on Video. Imagine waking up to bad news like that. And the irony of it all, our thesis is titled "Effects of the Persuasive Power of Media: A Case of ABS-CBN's Gameshow Wowowee."
***
It's AB Week and I didn't even know. Nor do I care, really.
Death by thesis
(Thursday, February 02, 2006)
Here cometh ze Week of Impending Doom. >_< Everyone, goodluck on our thesis defense! God bless us all.